May awit sa hangin! may tala sa langit! Ina'y may dalangin at may batang hibik! Tala'y suminag habang may umaawit, Pagka't pasabsaba'y may Haring marikit!
May dakilang galak sa pagkapanganak Sa sanggol ng birhen, na hari ng lahat. Sa saliw ng awit ang tala'y suminag, Pagka't pasabsaban ay may Haring liyag!
Panaho'y gumanda sa sinag ng tala; At ang awit na 'yon natanyag sa lupa. Bawa't dapugan ay nag-alab sa tuwa; Si Jesus ay Hari! S'yang awit ng bansa.
Tayo'y natutuwa't awit inuulit Na narinig noon na mula sa langit. Tayo'y nagdiriwang sa balitang sulit, At ating binabati Haring marikit!